Haay naku! ano na bang nangyayari sakin? Nababangag na naman ata ako. Ewan ko ba. Sabihin na lang natin na maganda talaga ang araw ko (sa kabuuan) kahit na hindi naging maayos yung umaga ko. Teka nga, ano nga bang dahilan kung bakit ang lakas ata ng tama ko ngayon? Sige na nga dahil hindi ko talaga alam yung sagot sa tanong ko magkwekwento na lang ako kung anong nagyari sa buong araw ko.
*Simulan muna natin kaninang Umaga..
- Napagsabihan ako ng nanay ko dahil sa pagiging gastasera. Oo alam ko, nadakdakan na naman ako. Pero hindi naman siya galit, pero kinumpara naman ako sa sarili ko dati. Sobrang matipid kasi talaga ako noon. Ewan ko lang ngayon. Hindi na lang ako nagsalita. Ano pa nga bang masasabi ko e totoo naman kaya ayun hindi naman siya nagalit masyado. Late na rin kasi ako...
- Ayun pagdating ko tuloy sa skul (as usual) late na naman ako. Siguro eto na yung ugaling kailangan kong mabago sa college lalo na kung matutuloy talaga ako sa -- ----- which is, sabi nga ng nanay ko eh sobrang layo sa amin kaya kailang two hours before ng pasok ko eh wala na dapat ako sa bahay. Kawawa naman ako kung ganun, puro pang-umaga pa naman ang klase pag first year. Puno na siguro ako ng eyebugs tapos deprived of sleep pa lagi. Pano na lang ako lalaki? Ah basta bahala na, kagustuhan ko naman din un eh!
- Science Time: Uy may bisita ako! Si Kuya Bambi. As usual yung mga kaklase kong malisyoso naghiyawan...pasensya na tlga Bambi ngayon lang ata sila nakakita ng tao. (Masyado talaga akong controversial sa clasroom, Princess Janelle ba naman d b?) Ayun may meeting na naman pla s Choir kasi kakanta kmi s 2 misa ngaun. Kaya eto na nga nagmadali na ko sa pag-akyat sa music room.
- Grabe ung misa! nakakahyper! Ang gulo naming lahat. Palipat-lipat pa kami ng lugar ni Rizsie hanggang sa napunta kmi sa lugar ng mga bass...Anu b yan! Pero syempre masaya naman prin tlga. Super enjoy ng lahat lalo na yung kulitan at mga OA na reactions sa mga panggugulat ni father sa homily. Haay! Naiisip ko na naman yung graduation. Sigurado Coro ang isa sa mga bagay na mamimiss ko pag nasa college na ko.
- Lunch: Nag-uusap kami nina Arianne at Kevin tungkol sa mga prospective schools namin. As usual, inasar na naman nila ako kasi sa aming apat, mukhang ako lang ata ang mahihiwalay sa kanila (UST na daw sila habang ako naman ay sa -- -----) Kinokonsensya na naman tuloy ako ni Kevin. Ahhhh...ano ba hindi niyo ba ako naiintindihan? Hindi pa nga ako sigurado sa desisyon na yun! Waaahhhh! Sa totoo lang naman kasi, ayoko ring mahiwalay sa kanila pero may goal kasi ako eh at gusto ko na talagang magseryoso. Dont get me wrong, hindi BI ang mga kaibigan ko kaya ko lang gustong malayo so kanila ay dahil gusto kong mas magconcentrate sa pag-aaral ko. Kaya sana maintindihan nila ako...
- Choir Practice/Dissmissal Time: Hehehe..pinerfect lang namin ung Anak at Paraiso para sa presentation bukas at yun natapos na kaagad yung party. Nagstop muna kami sa magsaysay dahil ang iba namin klasmeyts ay nasa cat pa rin. Grabe! Dito ako naging parang lolita...nagsimula lang kasi sa pakanta-kanta ni anton habang ginagawan siya ng music video ni oliver hanggang sa naisipan naming sayawin ung ever after. Pairings: Ako at si Oliver, Si Kuya at si Ahren, Si Arianne at si Kevin. Tapos tinuruan ako ni Tope ng Cha-cha na sasayawin nila sa prom kaya ayun..kembot dito kembot duon. Tapos pinakita ko naman sa kanila ung steps namin sa samba.
- Lakad pauwi w/Oliver and Nikita:....ayun tulad ng dati lakad ulit. Pero grabe ang ginaw! Habang naglalakad napag-usapan namin ni Nikita (nakauwi na anoon si Oliver) ang palm reading. Ginawa kasi ni Rizsie sakin un kanina sa misa at kung natatandaan ko eto ung dialogue namin:
- RC: Akin na ung right hand mo
- Gen: (bigay ng kamay habang painosente ang tingin)
- RC: May dalawa kang minahal. Yung isa matagal mong minahal pero may nalaman ka kaya hindi natuloy.
- Gen: ha? Pano mo nalaman un (na-amaze pa daw kunwari)
- RC: Mag-ingat ka baka hindi ka makagraduate...
- Gen: Ano? Bakit naman?
- RC: Malapit nang makumpleto ang love line mo. Baka makapag-asawa ka kaagad.
- Gen: Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhh
- RC: Gawin mo na lahat ang dapat mong gawin.Kaunti na lang ang oras na natitira sayo.(Sabay Tawa)
- Gen: Teka! Linya yan sa telenovela nina kim chiu at gerald anderson ah...
- RC: Oo nga. Kaya nga gawin mo na lahat ng gusto mong gawin eh! Parang warning na rin yun ano!
- Gen: (No Comment: naguguluhan na ko eh)
Sa totoo lang, natakot talaga ako dun sa sinabi niya, naku ayoko talagang maniwala. Sana di totoo kasi marami pa talaga akong pangarap sa buhay. Wag po..........
To sum it all up, eto na nga ang nagyari sa araw ko. Medyo weird ano? Grabe talaga. Sana di totoo ang sinabi ni rC khit hindi siya ang pinakaunang nagpalm reading sakin ( somehow may koneksyon ung sinabi niya dun sa isa khit di sila magkakilala)
-ah basta! Live life to the Fullest na lang! At syempre extra caution. Achoooo...(ang lamig tlga)
Labels: weekend madness