Friday, March 9, 2007
Thank You!!!
Maraming araw na rin pala ang lumipas matapos ang huli kong post dito sa blog ko nung Feb 18. Hindi ko tuloy naikwento ang nangyari nung Senior's Prom. Pero kahit nagkaroon pa rin naman ako ng pagkakataon...alam kong wala rin naman ako maikwekwentong maganda kasi wala naman talagang nangyari, diba sinabi ko sa inyo na hindi naman talaga ako umaasa na may mangyayari pa? Pero sige, hindi ko man magawang makwento sa ngayon ang buong pangyayari, gagamitin ko na lang ang post na ito upang magpasalamat sa mga taong nagbigay saya sa akin nung araw na 'yon.
siyempre papasalamatan ko yung labing-isang lalaking umalok sa'king sumayaw...
The Eleven "Heartrobs" who asked me to Dance:
  1. Michael Angelo Esposo - si kulot! hehehe...cge na wag ka na magalit joke lang naman un eh. Alam mo bang ikaw ang ultimate first dance partner ko? Pano ba naman sa parehong junior's at senior's prom ikaw ang first dance ko. Thank you talaga sa lahat-lahat ha? Kahit araw-araw mo na lang akong inaasar ayos lang naman (okey lang sakin matawag na sexy!!! bwahahahaha!) Actually marami talaga akong gustong ipagpasalamat sa'yo kaya sa haba ng listahan ko isa lang talaga masasabi ko...Thank You!
  2. Mark Jay Abon - uy kamusta naman? Alam mo kahit na nagka-ilangan tayo nung 2nd year, masasabi kong napamangha mo ko kasi may lakas ka pa rin ng loob na lumapit sa'kin para isayaw ako sa parehong junior's at senior's prom. Para nga tayong long lost friends anu? Parang wala lang nangyari. Katulad ka pa rin pala nung dati, ang sarap kausap...sori nga lang talaga kasi hindi ako makatingin ng diretso sa'yo. Pero kahit ganun pa man eh masaya ako kasi friends na ulit tau! Yehey!
  3. Raphael Anjielo Centeno - Rap-rap! kamusta naman ang 4 squares? (grupo namin nung second year kasama sina Pau-pau (Paula), Jeff-jeff (Jefferson) at siyempre ako: si Gen-gen) Grabe! Alam mo ikaw pa rin ang the best kong seatmate. Miss ko na nga ang kurutan at barahan natin eh! Kamusta na nga pala kayo ni Lee Anne? Alam mo gusto na talaga kitang ilagay sa Guiness book of World Records. Pano ba naman eh ikaw lang ang bukod tanging nakapagpaiyak sakin ng 5 beses (ang galing mo talagang mang-asar!) Sobra ka talaga lalo na nung nag-away tayo. Dakilang bully ka talaga! Di bale kahit na dinekwat mo yung diary ko sa bag ko nung 2nd year at lantarang binasa sa publiko ayos lang un. Alam ko namang kahit ganun ka kakulit eh mabait ka pa rin naman. O sige na tama na ang pambobola nagiging sinungaling na ko... pwe! ^jowk lng!^
  4. Kevin Neil Daylo - sino ka? hay naku bestpren kahit na baliktarin mo pa ang mundo makikilala't makikilala pa rin kita (saulo na kita mula ulo hanggang paa!) Pano ba naman eh lagi tayong magkasama. Feeling ko nga masyado na tayong immune sa isa't-isa eh! Hindi ka ba nagsasawa sakin? Baka magkapalit na kasi tayo ng mukha eh! Sayang naman malulugi kasi ako. (jowk lng!) Uyy...2 yrs na pala tayo (waahh! hindi tayo talo!) Ang bilis talaga ng panahon. Parang kailan lang naghahabulan pa tayong tatlo nina Zel (uy special someone niya! Tama na ba hula ko bes?) nun sa Gero tapos ngaun "little grown-ups" na tayo! Kamusta naman diba? Grabe ang dami mo na talagang alam tungkol sakin (updated ka ata lagi!) at syempre ganun rin ako. At kahit na may third party...ehem..c Nikita ba yun? ( sabi na nga ba! hindi ko alam na babaero ka pala talaga! Salawahan ka!) at kahit na lagi mo kong inaaccuse na may identity crisis (babae po ako!). well alam kong alam mo naman talaga ang totoo at syempre expected na yun. Thank You na lang talaga sa lahat!
  5. Ding Jerrell Villones - aba Ding! kamusta naman ang musically inclined kong friend? Itong taong ito talaga ay sobra sa kabaitan. Ewan ko ba likas na ata sa kanya yun. Dahil sa kanya natutunan kong i-appreciate ang hard metal music na dati ay sobrang inaayawan ko. (alam mo naman maka-love songs at senti ako) marami talaga akong natutunan sa'yo...mga bagay na isinapuso ko na lahat. Galing mo talaga. PS. Thank you nga pala dun sa bulaklak nung Valentines ha? hehehe..ang galing ko talagang manghingi. Oo nga pala hindi ko na hinatian si Nikita kasi maraming nagbibigay dun eh! Alam mo na...
  6. Ruther John Masiglat - Oi Master Hacker! John Lloyd look-alike! Gwapo mo pare....Ikaw talaga kala mo nakalimutan ko na ginawa mo sa pc ko ha? Bad boy ka. Anyweiz magaling ito sa computer, grabe ang dami ko na ngang utang na loob sa kanya eh. Pero in fairness ako ang kanyang nag-iisang critique at editor sa mga articles niya sa blog kaya nga polished ang English niya eh (naks!) Maloko ito eh! Sa lahat ata ng nakasayaw ko, pati nung 3rd year sa kanya ang pinakawacky na sayaw! Grabe nga eh sa kanya ko lang naexpirience yung sinasayaw ka habang kinukuhaan ng video...asan na nga pala un? Haay! Grabe talaga si Master. Kaya kung ako sa'yo ibalik mo na ang Gomez forum para kwentuhan ulit tau. Okie???
  7. Emmanuel Bernardo - Waw c Tito Emman ba ito? Ikaw ha, aalagaan mo ang nanay ko ha? kung hindi lagot ka samin ni Arianne....naku, itong taong 'to sobrang kasundo ko sa lahat ng uri ng kakulitan. Ewan ko ba. Sayo nga yata ako nagmana (hehehe...) Cge na nga adopted na kita as my temporary stepdad (temporary kasi hindi ka pa "Niya" sinasagot dahil hindi mo nga nililigawan pa...intyendes?) Piece of advice lang sayo: sabi kasi niya may pag-asa ka lalo na dati kasi may ginagawa ka pa kaya sana ipagpatuloy mo lang pero dahan-dahanin mo kasi ayaw naming mga babae na binibigla....okay ba?
  8. Joseph Raphael Azagra - " and the World's Greatest Kuya Award goes to..."Oops..tinatanong pa ba yan? Siyempre panalo na si Kuya! Heavyweight Champion ata yan! Ano pa nga bang masasabi ko sayo? Itong si kuya protector ko yan talaga, bale siya na kasi ang tumatayong kuya ko at ng lahat kasi alam niya na wala akong kuya. Punching bag rin namin ito ni Paula. Ingat nga lang kayo kasi pag nainis yan eh baka i-aprikut niya kayo! ^jowk lng^ Ang totoo niyan si kuya ay hindi talaga nagagalit. Kahit ilang attempts na ata ang gawin ko para lang magalit siya (sabi ko sau desidido ako eh) parang mas lalong bumabait siya. May balak rin itong maging psychologist, oo ndi kayo nagkamali ng basa. Bagay naman diba. Sabi ko nga sa kanya i-pursue niya yun kasi pag naging psychologist siya ako na ang life-long patient niya. O diba san ka pa? Uy sa UST na siya mag-aaral! (dream school niya talaga ito eh!) Sige gud luck na lang...sa studies pati sa lovelife (imagine ang sarap pala niyang kausap lalo na pag lovelife at relationships ang pag-uusapan, adviser nga talaga kita!) Basta kuya, walang limutan ha? Kahit na sa ating apat (lima kami dati ksi kasama c Paula kaso nai-aprikut na siya ni kuya sa Nevada) ako lang ang malalayo sa inyo (UST ata kayong tatlo eh!) paki-alagaan na lang sina Arianne (yikeee!) at Kevin para sakin ha?
  9. Robin John Rapanut - uy Idol kamusta naman? Si Top 1 talaga...halimaw tong klasmeyt kong ito eh, sobrang hayop sa Math (paturo naman dyan..) Salamt sa pagsayaw sakin ha kahit na nung sinayaw mo ko hindi mo pa nabibigay rose mo sa kanya kasi may iba siya, aus lng un ( bagay naman kayo ni Khamille eh!)... life's like that!
  10. Nikko Ulnagan - daddy! Grabe kulit mo! pagkatapos nating sumayaw hingal na hingal ako! Ikaw kasi eh puro talon na lang ata ginawa natin (ang sakit tuloy sa paa, pero partida naka high heels ako nun) Puro kalokohan rin ung pinagsasabi mo nun (isusumbong kita kay Mommy! Lagot ka!) Di bale kahit ganun ka thankful pa rin ako kasi may nakilala akong katulad mo -isang bully to the max (daig mo pa si Paula). O siya pagod na kong magsulat...basta ingatan mo na lang si girlfriend at paki sabi na rin sa kanya ang tunay na identity ng nanay ko (gusto daw niyang malaman kung sino). Di ko rin kasi alam. Sino ba?
  11. Glenn Gerald Bacani - my ultimate last dance partner! Ang dami mong nakwento sakin ah! In a short period of time (3 mins) nalaman ko ang conflict niyo ni - - - - - -. Pero don't worry your secret is safe with me, ako lang naman at ang lahat ang nakakaalam (jowk). Basta pare (pare?) life goes on, kung ayaw niya sau e di wag niya! Hindi lang naman siya ang babae sa mundo. Basta ang mahalaga alam niya at malinaw sa kanya ang intensyon mo (haay grabe ung isyu niyo sa gomez, sobrang mabenta!) Piece of advice ko rin sayo (since dti rin kitang seatmate) : Wag ka munang susuko kung alam mong may pag-asa pa naman. Sabi niya sakin may bf na siya pero parang ndi ako masyadong naniniwala... Pero siyempre priorites first muna: focus on your studies at syempre sa taekwondo (hyah!) Gud Luck sa future...

* O ayan natapos na ang sobrang habang listahan ko.....sana naman nagustuhan niyo kahit papaano...di bale kung curious talaga kau sa happenings sa prom, kulitin nyo lang ako at baka i-update ko pa ung mga entries ko sa prom...kung magbago isip ko. But for now eto muna. Ciao!

 
posted by Gen at 3:13 AM | Permalink |


0 Comments: