Sunday, February 18, 2007
The Night Before...
Aba prom n pala bukas! Parang ang bilis naman ng mga pangyayari. Ano kayang mangyayari bukas? Mas magiging maganda kaya ung mangyayari bukas kaysa nung last year? O baka naman magbutas lang ako ng upuan?

Ewan ko ba! Bakit naman kasi kailangan ko pang problemahin ang isang bagay na hindi naman dapat problemahin. Iniisip ko lang kasi, medyo hindi naging maganda ang taong ito kaysa nung last year. At saka isa pa, sobrang kakaunti lang ang mga naging kaibigan ko sa Laurel kaya feeling ko baka maging "loner" lang ako....Sana wag naman...

Hindi ko ikakaila, kahit papaano ay medyo excited rin ako sa mangyayari bukas. Hindi kasi araw-araw kang aayusan at magsusuot ng isang napakagandang damit para lang sumayaw at magpakasaya sa isang buong gabi. Kahit na alam kong alam niyo na hindi ako katulad ng ibang babae sa kilos pero kahit papaano ay pareho pa rin ang nararamdaman ko katulad ng iba ko pang kaklase at kaibigang babae...siyempre naman di ba? Sino ba namang babae ang di matutuwa kapag isinayaw siya ng isang lalake, lalo na kung ang taong iyon pa ang talagang nag-iisang nagpapatibok ng puso niya?

Siguro habang binabasa mo ito ay natatawa ka na. Baka sa mga oras na ito ay binabalikan mo na ang mga magagandang alaala nangyari sa'yo. Haaay! sana lang maging maayos ang lahat bukas...kahit walang kilig moments okey lang. Hindi naman ako reklamador eh. Ang gusto ko lang naman ay maging memorable ang gabi ko sa piling ng mga masasaya at tunay na kaibigan!

Labels:

 
posted by Gen at 5:27 AM | Permalink | 0 comments
Friday, February 16, 2007
Blogthings: What's your Beauty Element?
Your Beauty Element is Earth

You are the epitome of a natural beauty. Your look is definitely effortless.
And while you shy away from a lot of make-up and accessories, you're no granola girl either!
 
posted by Gen at 3:57 AM | Permalink | 0 comments
Blogthings: What is your Reputation?
Your Reputation Is: Sweet Girl

While you're well known, there's nothing to worry about.
You're reputation is mostly good - as good as any rep can be.
 
posted by Gen at 3:53 AM | Permalink | 0 comments
Saturday, February 10, 2007
PROM here to Eternity...
may gud news ako...


interesado b kau malaman?....


wait lng may unexpected interruption...


o eto na...


may prom gown na koh!!!! ^ang babaw tlga ng kaligayahan!^


hehehe...wla lng! ^toink^


pasensya n tlga s abala...


simple lng ung gown ko, two toned: green ung color pero pag iniikot nagk2roon ng blue...

simple lng pero nagandahan ako kci elegant looking...


not bad pra s isang taong wlang taste s fashion...^ehem!^


although hindi sya ung first choice ko okei prin nman...!


anyweiz late na tlga ako nakabili,


inaamin kong hindi nman kci ako masyadong interesado s paghahanap ng gown, accessories at sapatos...^forte ng ate yanni ko un^


hirap tlgang maging babae...
 
posted by Gen at 7:31 PM | Permalink | 0 comments
Friday, February 9, 2007
Wala Lang!
(mga tanong na nakuha ko s blog ni Gracy)

1. YOUR NAME SPELLED BACKWARDS?
eveiveneg?...ndi ko alam kung pano ipronounce 'to pro aun kay Trebla (Albert) eh eviveneg daw un. (Silent E?)

2. WHO IS YOUR BEST FRIEND OF THE OPPOSITE SEX?
ahh..hindi na dapat tinatanong yan..xempre c Kevin n un!

3. THE LAST THING YOU DOWNLOADED ON TO YOUR COMPUTER?
ndi ko na alam eh..tgal n rin kci...

4. HAVE YOU EVER LICKED A 9 VOLT BATTERY?
no way! ayoko pa atang mamatay! marami pa kong pangarap sa buhay...

5. LAST TIME YOU SWAM IN A POOL?
last last year? pag nagswiswimming kci kmi s beach lgi eh kya aun....

6. HAVE YOU EVER BEEN IN A SCHOOL PLAY?
ahh uu naman! how could i forget katulong p nga role ko nun eh (so much for my acting career...)

7. THERE IS NO QUESTION
gusto mo ako magbigay?

8. TYPE OF MUSIC YOU DISLIKE MOST?
novelty songs..lalo na ung boom tarat (lahat ng kanta ni willie) pati n rin s sex bombs..

10. DO YOU HAVE CABLE?
teka itatanong ko pa...(wla yatang ganun s bundok? hehehe...)

11. HAVE YOU EVER RIDDEN ON A MOPED?
moped?? anu un??? ahhh...(buti may encarta) ndi pa ata...

12. EVER MADE A PRANK PHONE CALL?
uu ksama cna ate..ginaya namin ung dialogue na "seven days" dun s the ring

13. BOYFRIEND/GIRLFRIEND?
ha??? pls don't say bad words...okie?

14. WOULD YOU GO BUNGEE JUMPING OR SKY DIVING?
both...sarap kci kung pareho eh...pra exciting

15. THERE IS NO QUESTION
Niloloko mo b ko???

16. DO YOU HAVE A GARDEN?
well..kung matatawag mong garden un (ung kapatid ko kcing 6 yrs old ung gumawa eh kso ung flowers wlang stem puro ulo lng....sna nga mabuhay) pro my father has, s gilid ng bahay nmin..

17. WHAT'S YOUR FAVORITE COMIC STRIP?
pupung at ska archie comics

18. DO YOU KNOW ALL THE WORDS TO THE NATIONAL ANTHEM?
aba xempre! lagi ata nming kinakanta sa coro un...

19. BATH OR SHOWER, MORNING OR NIGHT?
shower...at night!

20. BEST MOVIE YOU'VE SEEN IN THE LAST MONTH?
umm...ndi kci movies pinanood ko eh puro koreanovelas...pro cge considered ang material girls at happy feet pti phantom of the opera...

21. FAVORITE PIZZA TOPPINGS?
ham and cheese pti bell pepper...

22. CHIPS OR POPCORN?
popcorn...

23. WHAT TYPE OF DEODERANT DO YOU USE?
rub on ung skin kci dugyut kapag roll-on

24. THERE IS NO QUESTION
na nman...

25. HAVE YOU EVER BEEN IN A BEAUTY PAGEANT?
waah! plz don't remind me of it again...(pro cge kung curious k sagot ko oo...nung prep ako)

26. ORANGE OR APPLE JUICE?
apple juice

27. WHO WERE THE LAST PEOPLE YOU WENT OUT TO LUNCH WITH?
cno nga b? family yata...

28. FAVORITE TYPE OF CHOCOLATE BAR?
wow favorite! actually khit ano mapa-dark chocolate p yan o w/ milk o caramel...

30. LAST TIME YOU ATE A HOMEGROWN TOMATO?
huh? wla p yata..ndi nman kmi nktira s farm.........

31. HAVE YOU EVER WON A TROPHY?
nope...medal at ribbon plang...

32. IF YOU COULD BE A CARTOON CHARACTER, WHO WOULD YOU BE?
aba naman..xempre c winnie the pooh o kaya naman c tweety...

33. EVER PUNCHED SOMEONE IN THE FACE?
yeah, when i was in grade four

34. EVER ORDERED FROM AN INFOMERCIAL?
nope, ndi naman ako nagpa2uto dyan eh

35. FAVORITE VIDEO GAME?
sims

36. HAVE YOU EVER HAD TO WEAR A UNIFORM TO SCHOOL/WORK?
yup..since nursery...

37. LAST THING YOU BOUGHT AT WALGREENS?
shop b un?

38. EVER THROWN UP IN PUBLIC?
nope (ndi skandalosa ung suka ko eh)

39. WOULD YOU PREFER BEING A MILLIONAIRE OR FINDING TRUE LOVE?
??? do i really need to answer that?

40. DO YOU BELIEVE IN LOVE AT FIRST SIGHT?
sometimes yes often no...kci ang basehan lng nman ung itsura ng guy/girl eh hindi ung attitude...

41. CAN EX'S JUST BE FRIENDS?
dunno....

42. WHO WAS THE LAST PERSON YOU VISITED IN THE HOSPITAL?
i really can't remember...

43. DID YOU HAVE LONG HAIR AS A KID?
nope...ndi daw ako tatangkad eh! I never knew if it's a misconception or what but for me it is kci hindi effective eh maliit prin kci ako...

44. WHAT MESSAGE IS ON YOUR VOICEMAIL MACHINE?
wla kming ganun eh...

45. WHERE WOULD YOU LIKE TO GO RIGHT NOW?
s mga boutiques pra bumili ng gown s prom

46. WHAT WAS THE NAME OF YOUR FIRST PET?
abu...

47. WHAT KIND OF BACKPACK DO YOU HAVE, & WHAT'S IN IT?
the mountain bag type...books and notebooks pti iba pang gamit

48. LAST INCOMING CALL ON YOUR PHONE?
my mum

49. WHAT IS ONE THING YOU ARE GRATEFUL FOR TODAY?
everything especially my family and him...(smiles a bit)

50. WHAT DO YOU THINK ABOUT MOST?
what i'll be in college and in the future ( masyado kci akong futuristic)
 
posted by Gen at 9:16 PM | Permalink | 0 comments
Friday, February 2, 2007
Lolita for a Day!
Haay naku! ano na bang nangyayari sakin? Nababangag na naman ata ako. Ewan ko ba. Sabihin na lang natin na maganda talaga ang araw ko (sa kabuuan) kahit na hindi naging maayos yung umaga ko. Teka nga, ano nga bang dahilan kung bakit ang lakas ata ng tama ko ngayon? Sige na nga dahil hindi ko talaga alam yung sagot sa tanong ko magkwekwento na lang ako kung anong nagyari sa buong araw ko.

*Simulan muna natin kaninang Umaga..

  1. Napagsabihan ako ng nanay ko dahil sa pagiging gastasera. Oo alam ko, nadakdakan na naman ako. Pero hindi naman siya galit, pero kinumpara naman ako sa sarili ko dati. Sobrang matipid kasi talaga ako noon. Ewan ko lang ngayon. Hindi na lang ako nagsalita. Ano pa nga bang masasabi ko e totoo naman kaya ayun hindi naman siya nagalit masyado. Late na rin kasi ako...
  2. Ayun pagdating ko tuloy sa skul (as usual) late na naman ako. Siguro eto na yung ugaling kailangan kong mabago sa college lalo na kung matutuloy talaga ako sa -- ----- which is, sabi nga ng nanay ko eh sobrang layo sa amin kaya kailang two hours before ng pasok ko eh wala na dapat ako sa bahay. Kawawa naman ako kung ganun, puro pang-umaga pa naman ang klase pag first year. Puno na siguro ako ng eyebugs tapos deprived of sleep pa lagi. Pano na lang ako lalaki? Ah basta bahala na, kagustuhan ko naman din un eh!
  3. Science Time: Uy may bisita ako! Si Kuya Bambi. As usual yung mga kaklase kong malisyoso naghiyawan...pasensya na tlga Bambi ngayon lang ata sila nakakita ng tao. (Masyado talaga akong controversial sa clasroom, Princess Janelle ba naman d b?) Ayun may meeting na naman pla s Choir kasi kakanta kmi s 2 misa ngaun. Kaya eto na nga nagmadali na ko sa pag-akyat sa music room.
  4. Grabe ung misa! nakakahyper! Ang gulo naming lahat. Palipat-lipat pa kami ng lugar ni Rizsie hanggang sa napunta kmi sa lugar ng mga bass...Anu b yan! Pero syempre masaya naman prin tlga. Super enjoy ng lahat lalo na yung kulitan at mga OA na reactions sa mga panggugulat ni father sa homily. Haay! Naiisip ko na naman yung graduation. Sigurado Coro ang isa sa mga bagay na mamimiss ko pag nasa college na ko.
  5. Lunch: Nag-uusap kami nina Arianne at Kevin tungkol sa mga prospective schools namin. As usual, inasar na naman nila ako kasi sa aming apat, mukhang ako lang ata ang mahihiwalay sa kanila (UST na daw sila habang ako naman ay sa -- -----) Kinokonsensya na naman tuloy ako ni Kevin. Ahhhh...ano ba hindi niyo ba ako naiintindihan? Hindi pa nga ako sigurado sa desisyon na yun! Waaahhhh! Sa totoo lang naman kasi, ayoko ring mahiwalay sa kanila pero may goal kasi ako eh at gusto ko na talagang magseryoso. Dont get me wrong, hindi BI ang mga kaibigan ko kaya ko lang gustong malayo so kanila ay dahil gusto kong mas magconcentrate sa pag-aaral ko. Kaya sana maintindihan nila ako...
  6. Choir Practice/Dissmissal Time: Hehehe..pinerfect lang namin ung Anak at Paraiso para sa presentation bukas at yun natapos na kaagad yung party. Nagstop muna kami sa magsaysay dahil ang iba namin klasmeyts ay nasa cat pa rin. Grabe! Dito ako naging parang lolita...nagsimula lang kasi sa pakanta-kanta ni anton habang ginagawan siya ng music video ni oliver hanggang sa naisipan naming sayawin ung ever after. Pairings: Ako at si Oliver, Si Kuya at si Ahren, Si Arianne at si Kevin. Tapos tinuruan ako ni Tope ng Cha-cha na sasayawin nila sa prom kaya ayun..kembot dito kembot duon. Tapos pinakita ko naman sa kanila ung steps namin sa samba.
  7. Lakad pauwi w/Oliver and Nikita:....ayun tulad ng dati lakad ulit. Pero grabe ang ginaw! Habang naglalakad napag-usapan namin ni Nikita (nakauwi na anoon si Oliver) ang palm reading. Ginawa kasi ni Rizsie sakin un kanina sa misa at kung natatandaan ko eto ung dialogue namin:
  • RC: Akin na ung right hand mo
  • Gen: (bigay ng kamay habang painosente ang tingin)
  • RC: May dalawa kang minahal. Yung isa matagal mong minahal pero may nalaman ka kaya hindi natuloy.
  • Gen: ha? Pano mo nalaman un (na-amaze pa daw kunwari)
  • RC: Mag-ingat ka baka hindi ka makagraduate...
  • Gen: Ano? Bakit naman?
  • RC: Malapit nang makumpleto ang love line mo. Baka makapag-asawa ka kaagad.
  • Gen: Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhhhh
  • RC: Gawin mo na lahat ang dapat mong gawin.Kaunti na lang ang oras na natitira sayo.(Sabay Tawa)
  • Gen: Teka! Linya yan sa telenovela nina kim chiu at gerald anderson ah...
  • RC: Oo nga. Kaya nga gawin mo na lahat ng gusto mong gawin eh! Parang warning na rin yun ano!
  • Gen: (No Comment: naguguluhan na ko eh)

Sa totoo lang, natakot talaga ako dun sa sinabi niya, naku ayoko talagang maniwala. Sana di totoo kasi marami pa talaga akong pangarap sa buhay. Wag po..........

To sum it all up, eto na nga ang nagyari sa araw ko. Medyo weird ano? Grabe talaga. Sana di totoo ang sinabi ni rC khit hindi siya ang pinakaunang nagpalm reading sakin ( somehow may koneksyon ung sinabi niya dun sa isa khit di sila magkakilala)

-ah basta! Live life to the Fullest na lang! At syempre extra caution. Achoooo...(ang lamig tlga)

Labels:

 
posted by Gen at 3:00 AM | Permalink | 0 comments