Bakit ganun? Hindi na ako consistent magsulat. Parang mas madalas na ata ung writer's block ko kaysa sa usual. Wala naman akong pinagkakaabalahan, except for the houseworks dahil ako lang kasi at ang kapatid kong 6 yrs old. ang palaging nasa bahay since may mga summer activities na pinagkakaabalahan sina ate. (c ate Shen may pasok kci Mapua ung skul nya tapos c ate Yanni may fencing training twing M-W-F sa Ultra) Marami sana akong gustong i-share lalo na ung mga nangyari nung graduation at nung vacation nmin this year sa Cebu. Ewan ko nga ba talaga sa sarili ko kung bakit sobra na ang feeling ng pagkatamad na na-inject sa system ko. Oo nga pala, nakapagconfirm na ko ng slot ko sa La Salle nung April 11. Hinihintay ko na lang ung araw ng Enrollment ko which is on May 7 (For College of Liberal Arts only) at ung Dental Check-up at ID Picture taking sa May 10 tapos ung 2 day Orientation nming mga Freshmen a week after yata nun. Pagkatapos ng lahat ng yun ay xempre pasukan ko na sa May 23. Parang ang bilis talaga ng panahon! Sori talaga kung hindi ko muna maikwekwento lhat ng nangyari sakin ngaung summer. Pasensya na talaga. Kahit ako rin nadidismaya. Sayang, hindi ko mapanagutan ang pagsusulat sa Ingles. Nakakapagod lang kasi. But I promise that I will really try my best. Well, this is all I have to say for now. Bye bye (^^,)