Nakuha ko ba ang atensyon mo? Siguro pagkabasa mo pa lang ng title ng post na ito ay iniisip mo na kung tungkol saan ang topic, tama ba? At kaya dahil doon ay sigurado na rin ako na sa mga oras na ito ay iniisip mo rin na baka sermunan kita tungkol sa relihiyon na parang isang pastor dahil sa tingin mo ay may kinalaman sa Bibleya o kay Christ ung title?
O cge na wag kang mag-alala dahil hindi ako mangsesermon dahil hindi naman ako theologian para mangaral lalo na't tungkol sa ganyang maseselan na bagay ang pag-uusapan...
Pero sige maaaring may point ka rin kasi may kaunting kinalaman ung topic kay God, pero....
teka nga? Anu nga ba talaga muna ang Messiah Complex?
Ayon kay Father Nards, isang pari sa parokya namin, ang Messiah Complex daw ay isang uri ng maling pag-iisip na kung saan ay iniisip natin na ang pagpapabago ng isang tao ay isang mabilis at madaliang proseso lamang. Madalas daw ang takbo ng pag-iisip ng isang taong may ganitong sakit ay kailanma'y ang pagbabago ay hindi nakasalalay sa sarili kundi ito'y depende sa taong nakalaan para sa atin na magdadala ng pagbabago sa atin.
Hindi mo maintindihan ano? Sige magbibigay ako ng halimbawa. Sabi pa rin ni father, ang pinakamagandang halimbawa ng mga taong pinakamadalas magkaroon ng ganitong sakit ay ang mga babae. Oo tama ka ng pagkakabasa dahil mga Babae daw ang madalas tamaan nito, lalo na daw kapag pag-ibig na ang pag-uusapan. Maraming mga kababaihan kasi ngayon ang mas tipo ang mga "BAD BOY TYPES" kaysa sa mga tipikal na lalake. Ewan ko ba, pero sa tingin ko ay kasalanan ng Chinovelang "Meteor Garden" kung bakit nabuo ang ganitong pag-iisip. Masyado kasi tayong humanga kay San Chai na dahil sa kanyang matibay na loob at busilak na puso ay unti-unti niyang napaibig at nabago ang isang gaya ni Dao Ming Si na isang anak mayamang nagsisiga-sigaan sa eskwelahan nila dahil sa laki ng kapangyarihan nito dito. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit tayo ganun mag-isip eh nakadepende naman talaga sa atin kung gusto nating magbago di ba? At isa pa walang makakapagdikta sa atin sa dapat nating gawin dahil tayo ang nagdedesisyon ng buhay natin. Hindi kayang diktahan ng ninuman ang ating utak. Isa pa mahirap magpabago ng isang tao lalo na kung pati sarili natin ay hindi natin kayang baguhin. Hindi mo na nga kayang baguhin ang sarili mo tapos mangangarap ka pang baguhin ang iba? Praktikal lang naman eh....ba't di mo na lang kaya baguhin ang sarili mo ng matauhan yung taong gusto mong baguhin? Malay mo ikaw ang maging inspirasyon niya para magbago siya di ba?
haay...ang tao nga naman....
Ewan ko nga talaga....
Cge na hanggang dito na lang!
Ciao! (^^,)
^^3 Days before Graduation Day!^^